PDEA, maglalagay ng bagong unit sa mga pantalan

By Alvin Barcelona August 02, 2017 - 04:28 AM

 

Para mapigilan ang pagpasok ng droga sa bansa, magtatayo na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Seaport Interdiction Unit (SIU) sa lahat ng Regional Office nito sa buong bansa.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 2017-030 na pinirmahan nito noong Hulyo 24, 2017..

Kabilang sa responsibilidad ng mga SIU ay pigilan ang pagpasok ng droga at iba pang iligal na kontrabando, imbestigahan ang mga anumang aktibidad na may kinalaman sa droga sa pantalan at pag-proseso sa mga impormasyon ng mga pasahero at mga shipping company na posibleng may koneksyon sa pagpasok droga o mga raw material sa paggawa nito.

Noong 2008, 744 kilo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu ang nasabat sa Subic, Zambales at 433 kilo ng shabu naman noong 2014.

Isa namang floating shabu laboratory ang natuklasan at sinira sa karagatan malapit sa Zambales.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.