Faeldon at iba pang Customs opisyal pinagbibitiw na sa pwesto

By Erwin Aguilon August 01, 2017 - 08:01 PM

Inquirer file photo

Hinamon ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na magbitiw sa puwesto ang mga opisyal ng Bureau Of Customs.

Ayon kay Barbers, ipinapahiya lamang nina Commissioner Nicanor Faeldon si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging incompetent ng mga ito.

Sinabi ni Barbers na mahigpit ang kampanya ng pangulo laban sa droga pero hindi ginagawa ng Customs ang kanilang parte rito.

Suportado naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panawagang resignation ni Barbers.

Sinabi ng pinuno ng kamara na grossly incompetent si Faeldon kaya marapat lamang itong magbitiw sa puwesto.

Kung siya anya ang nasa katayuan ni Faeldon magreresign na ito bilang pinuno ng adwana.

TAGS: Alvarez, barbers, Bureau of Customs, Congress, Faeldon, shabu, Alvarez, barbers, Bureau of Customs, Congress, Faeldon, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.