Senado, sinimulan na ang imbestigasyon sa P6.2B na halaga ng shabu na nakapasok sa bansa

By Len Montaño July 31, 2017 - 12:09 PM

Inquirer Photo

Sinimulan na ng senate blue ribbon committee ang imbestigasyon sa 6.25 billion pesos na halaga ng droga mula China na nakapuslit sa Bureau of Customs.

Pinangunahan ng chairman ng komite na si Senator Richard Gordon ang imbestigasyon kung paano nakalusot sa customs ang naturang kontrabando.

Noong May 26, nakumpiska ng anti-narcotics operatives ang anim na raang kilo ng shabu mula sa magkahiwalay na bodega sa Barangays Paso De Blas at Ugong sa Valenzuela City.

Ayon sa National Narcotics Control Commission of China, ang mga suspek na kilala lang bilang Chen at Li ang nasa likod ng shipment.

Lumabas sa imbestigasyon na itinago ng dalawa ang mga droga sa cylindrical roller printers na idineklarang cleared ng BOC.

Una nang nagsagawa ng hearing ang kamara ukol sa isyu noong July 26.

Sa house hearing ay idiniin ng mga opisyal ng customs ang hepe ng kanilang risk management office na si Larribert Hilario sa kabiguan nitong pigilan ang pagpasok ng shipment na hindi dumaan sa inspeksyon.

Sinuspinde naman sa kanyang pwesto ang customs official na si Hilario.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Customs, senate hearing, shabu, Bureau of Customs, senate hearing, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.