Bagyong Huaning, nakalabas na ng bansa; super typhoon Noru, maliit ang tsansa na pumasok ng PAR

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2017 - 08:37 AM

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Huaning na mayroong international name na Haitang.

Alas 7:00 ng umaga ng Lunes, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay nasa layong 750 kilometers North Northwest sa Basco, Batanes at nasa bahagi na ng Taiwan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras,

North Northwest ang kilos ng bagyo sa bilis na 24 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, wala na itong direktang epekto sa bansa, pero pinalalakas pa rin nito ang Habagat.

Samantala, ang bagyong Noru, na base sa weather forecast ng Japan ay isa nang Super Typhoon ay maliit naman ang tsansa na pumasok sa bansa.

Sa huling pagtaya ng PAGASA, nasa severe tropical storm category ang bagyong Noru na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.

Huli itong namataan sa 1,975 kilometers east ng Basco, Batanes.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: huaning, noru, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, Typhoon, weather, huaning, noru, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.