TINGNAN: Ilang lugar sa Valenzuela, Benguet at Abra, walang pasok ngayong araw
Tuluyan mang nakalabas na ng bansa ang bagyong “Gorio,” patuloy pa rin ang masamang lagay ng panahon dulot naman ng sumunod na bagyong “Huaning.”
Dahil dito, nagdesisyon ang ilang mga lungsod at lalawigan na magkansela pa rin ng mga klase para sa araw na ito, Lunes, July 31, 2017.
Nagdeklara ng suspensyon ng klase para sa LAHAT NG ANTAS, public at private schools, sa mga sumusunod na lugar:
– Abra
– Kabayan, Benguet
– Kapangan, Benguet
– Kibungan, Benguet
– Mankayan, Benguet
– Tublay, Benguet
Wala namang pasok sa PRE-SCHOOL hanggang ELEMENTARY sa mga lugar ng:
– Atok, Benguet
– Buguias, Benguet
– La Trinidad, Benguet
Tanging mga PRE-SCHOOL lang naman ang walang pasok sa Ilocos Sur.
Samantala sa Valenzuela City, wala pang pasok sa ilang paaralan dahil ginagamit pa ang mga ito bilang evacuation centers:
– A. Deato Elementary School
– A. Fernando Elementary School
– Coloong Elementary School
– Isla Elementary School
– Malanday High School
– Pasolo Elementary School
– Pio Valenzuela Elementary School
– Polo National High School
– Tagalag Elementary School
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.