Bagyong ‘Huaning’ nag-landfall na sa Taiwan; Signal #1, nakataas pa rin sa Batanes
Nasa Southern Taiwan na ang bagyong Huaning.
Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290 kilometro sa Northwest ng Basco, Batanes at patuloy na tinatahak ang north-northwest direction.
Dahil patuloy na lumalayo ang bagyo, tanging ang lalawigan na lamang ng Batanes ang nananatili sa ilalim ng Public Storm Warning signal Number 1.
Sa kabila nito, patuloy na paiigtingin ng bagyo ang epekto ng Southwest monsoon o habagat na magdadala ng moderate to heavy rains sa western section ng Northern at Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.