Higit 1,000 pamilya, nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang isang sunog sa Basilan

By Angellic Jordan July 30, 2017 - 07:55 PM

Courtesy: Ronda del Basilan FB page

Mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang apoy sa isang isla sa Isabela City, Basilan, umaga ng Linggo.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinupok ng sunog ang tinatayang 200 kabahayan sa bahagi ng Barangay Diki, Malamawi Island pasado alas diyes ng umaga.

Ayon kay Basilan Fire Marshal Jasmine Tanog, nagsimula ang sunog sa isa sa mga bahay at mabilis itong kumalat.

Nahirapan naman ang BFP at Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-apula ng sunog dahil walang fire truck ang naturang lugar.

Matapos ang 2 oras, idineklara na ring under control ang sunog.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.

TAGS: Basilan, BFP, Isabela City, Malamawi Island, PCG, sunog, Basilan, BFP, Isabela City, Malamawi Island, PCG, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.