Pari na naaresto sa Marikina City, maaring sibakin ng simbahan
Itinuring ni Linyagen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na malaking iskandalo sa hanay ng Simbahang Katolika ang pagkakaaresto kay Father Arnel Lagarejos.
Si Father Lagarejos ay dinakip ng operatiba ng Eastern Police District, Sabado ng umaga dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act nang tangkain umano nitong isama sa motel sa Marikina City ang isang menor de edad na babae.
Ayon kay Archbishop Cruz na dati ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), may sariling “tribunal” ang simbahan para imbestigahan ang kanilang kasapi na nasasangkot sa kontrobersiya.
Kung sakali man aniyang mapatutunayan na nagkasala si Father Lagarejos ay maaring siyang mapatawan ng parusa tulad nang pagkatanggal sa pagkapari.
Sinabi naman ni Archbishop Cruz, ang isyu kay Father Lagarejos ay hindi na bago sa kanilang hanay dahil noon pa mang panahon ni Hesukristo sa mundo ay may mga nanghudas na sa Panginoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.