Nasa Marawi City pa sina Abdullah Maute at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.. ang dalawang terorista na pasimuno ng kaguluhan sa naturang siyudad.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., ito ay base sa nakukuha nilang impormasyon sa grounds.
Dagdag ni Galvez, nasa battale ground din ang sampung dayuhang terorista at tumutulong sa Maute group.
Gayunman, sinabi ni Galvez na tuluyan nang lumiliit ang mundo ng mga terorista dahil isa-isa nang nakukubkob ng militar ang mga lugar na dati nilang pinagkukutaan gaya na lamang ng Mapandi bridge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.