Sunvar: Hindi kami ‘squatters’

By Rhommel Balasbas July 29, 2017 - 06:48 AM

Pumalag ang Sunvar Realty Development Corporation matapos ang pagbanat ni Solicitor General Jose Calida na ang kumpanya ay isang “squatter” at mahahalintulad sa grupong ‘Kadamay’.

Sa isang pulong balitaan, hiniling ni Calida na magbaba ng kautusan ang Court of Appeals at ipatupad na ang ejectment order ng Makati City Metropolitan Trial Court para ibalik na ang lupa sa pagmamay-ari ng gobyerno.

Anya, nakukuha umano ng kumpanya ang perang maari sanang magamit ng pamahalaan para sa mga proyekto lalo na sa rehabilitasyon sa Marawi.

Ngunit yon sa Sunvar, inookupa nito ang naturang ‘prime property’ sa Makati nang legal.

Ayon kay Atty. Alma D. Fernandez-Mallonga, ang naturang pahayag ng Solicitor General ay isang ‘mischaracterization’.

Iginiit ng Sunvar sa isang statement sa pamamagitan ni Mallonga na sobra pa nga ang binayad ng kumpanya para sa rental at halos katumbas pa ng pagbili sa naturang property.

Ayon kay Mallongga mayroong 17-milyong pisong advance rental ang Sunvar mula nang simula nitong okupahin ang property noong 1982. / Rhommel Balasbas

TAGS: Atty. Alma D. Fernandez-Mallonga, Solicitor General Jose Calida, Sunvar, Atty. Alma D. Fernandez-Mallonga, Solicitor General Jose Calida, Sunvar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.