Bangkay ng nasawing pulis, narekober matapos ang bakbakan sa Pangasinan

July 29, 2017 - 06:39 AM

Narekober ng mga pulis at sundalo ang mga labi ni PO2 Aries Tamondong, habang nailigtas naman ng ang kasamahan niyang si PO2 Jonelion Maruis Bagcal matapos ang engkwentro sa mga armadong kalalakihan sa San Nicolas, Pangasinan.

Naka-engkwentro ng mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion ng Philippine National Police ang mga pinaniniwalaang rebeldeng komunista sa Sitio Kampo 4 sa Barangay Sta. Maria East kahapon ng umaga.

Habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga otoridad, nabatid nila ang marka ng mga dugo sa isang daan na pinaniniwalaang ginamit ng armadong grupo para tumakas.

Dahil dito, hinala nila na may mga nasugatan rin sa panig ng mga armadong kalalakihan.

Ayon kay San Nicolas police chief Senior Insp. Arnold Soriano, naroon ang mga miyembro ng RPSB dahil sa mga ulat na may mga namataang rebelde sa lugar.

Sa ngayon ay hinahanap pa ng mga otoridad ang armadong grupo.

TAGS: NPA, pangasinan, Philippine National Police, San Nicolas, NPA, pangasinan, Philippine National Police, San Nicolas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.