Alvarez, iginiit na rekomendasyon lang talaga ang pakay ng kumalat na liham

July 29, 2017 - 06:34 AM

Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may inendorso nga siyang isang customs officer para ma-promote sa Bureau of Customs.

Gayunman, nilinaw niyang ito ay isa lamang sa mga rekomendasyon na kaniyang ginagawa at hindi naman ito kaso ng “lobbying.”

Mariin ding itinanggi ni Alvarez ang sinasabi ng chief of staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na si Mandy Anderson, na inutusan umano ng Speaker ang kaniyang mga tauhan na pahirapan sila ng commissioner.

Ayon kay Alvarez, totoong may nilagdaan siyang recommendation sa araw na iyon at na maraming iba pa ang tinutulungan niya sa pamamagitan nito.

Pero itinanggi naman ni Alvarez na ito ay maituturing nang lobbying.

Sa alegasyon ni Anderson laban sa mambabatas, sinabihan umano ni Alvarez ang kaniyang staff na dalhin ang impyerno sa kanila ni Faeldon.

Kahapon ay kumalat ang kopya ng naturang recommendation letter sa internet, at sunud sunod na binatikos ng mga netizens.

TAGS: Faeldon, House Speaker Alvarez, lobbying, Mandy Anderson, Faeldon, House Speaker Alvarez, lobbying, Mandy Anderson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.