Napanatili man ng bagyong “Gorio” ang tinatahak nitong direksyon, lalo naman itong lumakas at bahagya ring bumilis.
Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong “Gorio” sa 255 kilometers East Norheast ng Basco, Batanes. Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbuso na 160 kilometers per hour.
Inaasahan itong patuloy na kikilos patungong Northwest na direksyon sa bilis na 17 kilometers per hour. Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal number 2 sa Batanes group of Islands, habang Signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.
Samantala, huli namang namataan ang isa pang tropical depression sa West Philippine Sea sa 560 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Patuloy namang mapapatindi ng dalawang weather systems ang habagat na magdadala ng katamtaman hanggang paminsan-minsan na malakas na ulan sa western section ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.