LTFRB, gustong magkaroon ng minimum work hours ang mga TNC driver

By Justinne Punsalang July 28, 2017 - 02:51 PM

Pinag-iisipan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na magkaroon ng minimum work hours ang mga transport network company (TNC) drivers.

Ito umano ay para matugunan ang public demand at para matiyak na ang mga prangkisang ibinigay nila sa mga transport network vehicle services (TNVS) ay epektibong magamit.

Sa ikalawang pagpupulong ng technical working group, napag-alaman ng LTFRB na karamihan sa mga drivers ng Grab at Uber ay part-time lamang ang pagmamaneho. Mayroon pa nga umanong ilang mga driver na limang oras lamang namamasada sa loob ng isang linggo.

Ito umano ang dahilan kung bakit umabot na ng pinagsamang bilang na 42,000 ang mga accredited drivers ang Grab at Uber.

Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, pinag-iisipan na ng LTFRB na magkaroon ng minimum work hours bilang paraan para malimitahan ang bilang ng mga Grab at Uber driver. Ito rin aniya ang naisip nilang paraan para patugunan ang undersupply complaint ng mga TNC.

Kaugnay nito, pinagsusumite ng LTFRB ang Grab at Uber ng notarized database ng kanilang mga driver hanggang June 30.

Sa susunod naman na linggo ay pagsusumitihin sila ng listahan ng kanilang accredited drivers mula July 1.

Ayon kay Lizada, kapag natanggap na nila ang mga listahan, magsasagawa sila ng crosschecking.

Ang susunod na pagpupulong ng technical working group ay magaganap sa August 10.

TAGS: Grab, ltfrb, tnc, Uber, Grab, ltfrb, tnc, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.