Sandamak na basura, inanod sa Manila Bay

By Erwin Aguilon July 28, 2017 - 11:18 AM

Sandamakmak na basura ang inanod sa breakwater ng Manila Bay sa Roxas Blvd., Maynila.

Mga styro, plastic, sapatos, tsinelas at kawayan ang karamihan sa mga basura na pinipilit ngayong kolektahin ng mga tauhan ng Manila City Hall.

Posible anilang galing ang mga ito sa lalawigan ng Cavite at pinadpad sa Roxas Blvd. dahil sa malalaking alon na dala ng Bagyong Gorio at hanging habagat.

Kahapon, nakakolekta ng dalawang truck ng basura ang mga taga Manila City Hall.

Bukod sa mga tauhan ng gobyerno may mga ilang residente rin ang pilit na isinasalba ang mga maari pang pakinabangan mula sa mga inanod na basura.

TAGS: Basura, Manila Bay, manila city hall, Basura, Manila Bay, manila city hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.