Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila sa susunod na dalawang oras, batay sa 7AM advisory ng PAGASA.
Magdudulot naman ng pag-ulan ang thunderstorm sa Batangas, Laguna, Rizal at ilang bahagi ng Cavite sa susunod. Apektado rin ng thunderstorm ang lalawigan ng Quezon.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan namang ang mararanasan sa Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Zambales.
Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa mga malalakas na ulan at hangin, kidlat, at posibleng flashfloods.
Patuloy namang mararanasan ang mga pag-ulan sa Metro Manila at Western Luzon ngayong araw dulot pa rin ng hanging Habagat. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.