Umalis na sa National Security Council ng White House ang isang adviser on Middle East issues ni US President Donald Trump.
Ito’y dahil sa tumitinding hindi pagkakasundo sa loob ng White House, pati na rin sa mga isyu sa major policy na may kinalaman sa Syria, Iran at Iraq.
Unang lumabas sa Weekly Standard magazine ang ulat tungkol sa pag-alis ng dating Army colonel at intelligence officer na nagsilbi sa Iraq at Afghanistan na si Derek Harvey.
Ayon pa sa magazine, nasibak sa trabaho si Harvey.
Kinumpirma naman ng tagapagsalita ni NSC director H.R. McMaster na si Michael Anton ang pag-alis ni Harvey.
Aniya, ikinalulugod ni McMaster ang naging serbisyo ni Harvey sa Estados Unidos bilang isang sundalo.
Nakikipatulungan na aniya ang administrasyon kay Harvey para mahanapan siya ng mga posisyon kung saan mapapakinabangan ang kaniyang karanasan at expertise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.