Duterte, hinamon si Sison na umuwi sa bansa at dito makipaglaban

By Kabie Aenlle July 28, 2017 - 04:23 AM

 

May panibago na namang banat si Pangulong Rodrigo Duterte sa founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison.

Sa kaniyang pagbisita sa lamay ng anim na pulis na napatay ng New People’s Army (NPA) sa Guihulngan, Negros Oriental, hinamon ni Duterte si Sison na iwan ang komportableng buhay niya sa Utrecht, Netherlands.

Ayon kay Duterte, kung tunay na revolutionary leader si Sison ay hinahamon niya itong umuwi dito sa bansa at dito makipaglaban.

Sinabihan niya pa si Sison na gumagasta ng pera ng gobyerno ng ibang bansa, habang ang mga tauhan ng NPA dito sa Pilipinas ay namamatay.

Tinawag niya ring “duwag” si Sison, at sinabing anong klaseng lider ang pahiga-higa lang sa Utrecht.

Inamin naman ni Duterte na kabigan niya ang NPA noong siya pa ay alkalde ng Davao City, dahil kaya niyang laruin ang politika.

Gayunman, hindi na aniya ito magagawa ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.