Bagyong Gorio, lalakas pa, magiging severe tropical storm ayon sa PAGASA
Sa susunod na 24 na oras ay lalakas pa ang bagyong Gorio at aabot sa severe tropical storm category.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ang bagyo ay may lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong 105 kilometers bawat oras.
Huli itong namataan sa 615 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Bumagal pa ang galaw nito at ngayon ay kumikilos sa direksyong North Northwest sa bilis 9 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, patuloy na pinalalakas ng bagyong Gorio ang Habagat na nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa western section ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang hatid nito sa nalalabing bahagi ng Luzon at sa buong Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.