Quezon City nagsuspinde na ng panghapong klase

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon July 27, 2017 - 11:58 AM

Sinuspinde na ng Quezon City ang panghapong klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa lungsod.

Sa abiso ng Quezon City Public Affairs Department, alas 11:00 ng umaga, nang magpasya ang kanilang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office na irekomenda ang suspensyon.

Sa buong Metro Manila, tanging ang Quezon City, Pasig at Makati ang hindi nag-anunsyo ng suspensyon Huwebes ng umaga sa kabila ng patuloy na malakas na buhos ng ulan.

Nabatikos pa sa social media ang local government ng QC dahil sa hindi agad pagsusupinde ng klase.

At dahil hindi nagsuspinde, maraming paaralan sa Quezon City ang nagdeklara na lang ng individual suspension.

Samantala sa ngayon, wala pa rin namang class suspension ang Makati at Pasig.

Ang pasok naman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay sinuspinde na rin.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, epektibo alas 12:00 ng tanghali ang kanselasyon ng pasok sa kamara.

Ito ay para mabigyan aniya ng pagkakataon ang kanilang mga empleyado na makauwi ng bahay bago pa man lumala ng sitwasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: class suspension, quezon city, Radyo Inquirer, walangpasok, class suspension, quezon city, Radyo Inquirer, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.