Senator Lacson, iginiit na hindi kailangan ang dagdag-buwis sa tax reform program ng pamahalaan

By Ruel Perez July 27, 2017 - 09:50 AM

Iginiit ni Sen Panfilo Ping Lacson na hindi kailangan na magpataw ng dagdag na buwis ang pamahalaan.

Paliwanag ni Lacson, sa ilalim ng comprehensive tax reform program ng Duterte administration, lalong dadami ang exemption samantalang manipis na nga ang tax base.

Ibig sabihin, mababawasan ang magbabayad ng income tax dahil na rin sa exemption na ipagkakaloob sa mga income tax payers na sumusweldo ng P250, 000 kada taon.

Nauna nang sinabi ni Lacson na maaaring punan ng mga hindi nagamit na pondo ang pangangailangan ng Duterte administration sa kanilang “Build Build Build program” upang hindi na magpataw pa ng dagdag na buwis.

Samantala, napagkasunduan ng mga senador na isalang sa committee of the whole ang isinusulong na tax reform program upang mas maintindihan nila ang panukala.

TAGS: minimum wage, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tax Reform Program, minimum wage, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Tax Reform Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.