Sec. Aguirre, pamumunuan ang BuCor habang wala pang bagong director general

By Jan Escosio July 27, 2017 - 09:45 AM

Kuha ni Jan Escosio

Si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II na muna ang direktang mamumuno sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa kaniyang department of order, sinabi ni Aguirre na habang wala pang kapalit si Benjamin De Los Santos, siya muna, bilang justice secretary ang mamamahala sa BuCor.

Kasabay nito, inatasan ni Aguirre ang mga opisyal at empleyado ng BuCor na isumite at ireport sa kaniya ang lahat ng concern at usapin sa New Bilibid Prisons (NBP).

Epektibo sa lalong madaling panahon ang nasabing kautusan ni Aguirre hangga’t hindi nakapagtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong BuCor director general.

 

 

TAGS: aguirre, Bilibid, bucor, DOJ, Radyo Inquirer, aguirre, Bilibid, bucor, DOJ, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.