Mga bagong Grab at Uber drivers, pinade-‘deactivate’ ng LTFRB

By Kabie Aenlle July 27, 2017 - 04:34 AM

 

Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport network companies (TNCs) na Grab at Uber na i-“deactivate” ang kanilang mga drivers na pumasok lang sa kanilang sistema pagkatapos ng June 30.

Sa kautusan na inilabas ng LTFRB kagabi, sinabi nilang bagaman may epekto pa rin ang motions for reconsiderations ng mga kumpanya sa kanilang July 11 order, ang masasakop lang nito ay ang mga transport network vehicles na kasama na sa kanilang sistema as of June 30, 2017.

Dahil dito, mapipigilan pa rin ng mga mosyon ng mga kumpanya ang July 11 order pero para lang sa mga drivers na rehistrado na sa kanila hanggang June 30.

Nangangahulugan ito na maaring hulihin ang mga drivers na walang prangkisa o permit kung naaccredit lang sila mula July 1.

Nagsimula nang itigil ng Uber ang pagtanggap ng bagong partners mula noong July 19, habang ang Grab naman ay mula pa noong July 17.

Inatasan na rin ng LTFRB ang dalawang TNCs na magsumite ng listahan ng kanilang mga drivers hanggang June 30 upang matukoy kung gaano karami ang mga app-based drivers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.