‘No tuition collection’ sa mga undergrads ng UPLB at UP Manila ipatutupad ngayong semester

By Mariel Cruz July 27, 2017 - 04:32 AM

 

Parehong hindi mangongolekta ng tuition ang University of the Philippines Los Baños at Manila sa kanilang undergraduate students para sa first semester ng academic year 2017-2018.

Sa pamamagitan ng isang memorandum, inanunsiyo ng UP Manila at Los Baños ang ‘no tuition collection’.

Batay sa memo ng UP Los Baños, ipinag-utos ni Chancellor Fernando Sanchez Jr., na suspendido ang pangongolekta ng tuition sa mga estudyante ‘until further notice’.

Kamakailan ay sinabi naman ni UP Diliman Chancellor Michael Tan na hindi na rin sila mangongolekta ng tuition sa kanilang mga estudyante.

Matatandaang noong December 2016, napaulat na magiging libre na ang tuition sa mga undergraduate student ng state universities and colleges (SUC) kasunod ng pag-grant ng karagdagang P8.3 billion na pondo sa Commission on Higher Education (CHED).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.