Mindanaoan solon pumalag sa pag-alis ng police control sa ilang LGUs
Hiniling ngayon ni Lanao del Norte Rep. Khalid Mohamad Dimaporo sa Kamara na imbestigahan ang ginawang pagtanggal ng National Police Commission (Napolcom) sa deputation ng mga lokal na opisyal sa Mindanao.
Nais ni Dimaporo na ipatawag ng Kamara ang mga opisyal ng Napolcom at ipaliwanag bakit inalisan ng administrative control ang mga LGU’s sa Mindanao sa lokal na pulisya.
Sinabi ng mambabatas na naglabas ng memorandum ang Napolcom para maalisan ng deputation ang pitong gobernador at 132 na alkalde dahil daw sa kabiguan na mapigilan ang mga terorista sa kanilang mga nasasakupan.
Para sa mambabatas, pagtatraydor ang ginawa ng Napolcom sa mga kaalyadong LGU dahil sa walang basehan ang sinasabing kinonsente ng mga ito ang terorismo.
Gayunman, sinabi ni Dimaporo na nagkasundo ang mga lokal na opisyal mula sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Sultan Kudarat, Sulu, Basilan at Tawi-tawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.