DOJ nanindigan sa pag-downgrade sa kaso ni Supt. Marvin Marcos
Nanindigan ang Panel of Prosecutors ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang resolusyon sa pagsusulong ng kasong murder laban sa grupo ni Supt. Marvin Marcos kaugnay sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay Sr. Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo, kahit ipaulit sa kanila ang pagsusuri sa lahat ng mga ebidensya at dokumento na naiprinisinta sa kanila ay kaparehong resolusyon pa rin ang kanilang ilalabas.
Inamin din ni Alejo na hindi naipaalam sa kanila na mayroong petition for review at nalaman na lamang nila ang downgrading ng kaso sa media.
Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nanininidgan sa resulta ng kanilang pagsisiyasat na murder ang nangyaring pagpatay kay Espinosa.
Samantala, iginiit naman ng PNP Internal Affairs Service na sa kanila namang pagsusuri, walang direktang ebidensya na magpapatunay ng conspiracy sa raiding team at kay Supt. Marcos na sumalakay sa kulungan ni Espinosa,
Katunayan, ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nasa labas ng kulungan si Marcos nang maganap ang pamamaril kung kaya’t kanila lamang itong pinapanagot sa ilalim ng command responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.