Bagyong Gorio, lumakas pa; heavy rainfall warning itinaas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2017 - 06:32 AM

Photo from https://rammb.cira.colostate.edu

Nadagdagan pa ang lakas ng Tropical Depression Gorio.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 440 kilometers Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, maliit naman sa ngayon ang tsansa na ito ay tumama sa kalupaan. Maliban sa Bagyong Gorio, umiiral din ang Habagat sa Luzon at sa Visayas.

Samantala, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Dahil sa Habagat, yellow warning ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Bataan.

Maari umanong makaranas ng pagbaha sa nabanggit na mga lugar.

Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang nararanasan sa General Nakar at Real sa Quezon; Tarlac, Zambales, Laguna at Batangas.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

TAGS: gorioph, Pagasa, Radyo Inquirer, tropical depression gorio, Weather in Philippines, gorioph, Pagasa, Radyo Inquirer, tropical depression gorio, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.