Duterte, humarap sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo sa Marawi City

By Isa Avendaño-Umali July 26, 2017 - 04:52 AM

“The nation will never forget your heroism!”

Yan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga naulilang pamilya ng mga sundalo at pulis na nasawi sa bakbakan sa Marawi City.

Sa kanyang speech sa Malakanyang, pinuri ni Duterte ang kabayanihan ng mga tropa ng pamahalaan na namatay sa giyera.

Emosyonal ang mga kaanak ng mga sundalo at pulis na nagtungo sa Palasyo para sa turnover ceremony ng mga financial aid.

P250,000 ang halaga ng cheque na ipinagkaloob sa mga pamilya ng 101 na sundalo at pulis na namatay sa bakbakan.

Pinasalamatan naman ni Duterte ang pribadong sektor at mga negosyante na tumutulong sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Inanunsyo rin ni Duterte na lilikom siya ng 50 billion pesos para sa trust fund ng mga naiwang pamilya ng mga tropa ng gobyerno.

Ito ay ilalaan para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo’t pulis.

Mayroon na aniyang makukuhanan ng P20 billion, habang hahanapin niya ang P30 billion, sabay biro na magnakaw daw siya sa Central Bank.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.