Libu-libong tabla, ipapadala sa Marawi City para sa rehabilitasyon

By Rhommel Balasbas July 26, 2017 - 04:50 AM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Aabot sa 30,000 board feet o 8,000 piraso ng lumber o tabla mula sa Agusan del Sur ang nakahanda nang ipadala sa Marawi para sa rehabilitasyon ng mga bahay na nasira dahil sa patuloy na bakbakan.

Ayon kay DENR-Caraga Director Charlie Fabre, hinihintay na lang nila ang ‘go signal’ mula kay DENR Secretary Roy Cimatu upang masimulan na ang delivery ng mga lumber materials.

Ang naturang mga materyales ay bahagi ng 40 porsyento ng production share ng Casilayan Softwood Development Corporation o CDSC ayon kay Community Environment and Natural Resources Officer Achilles Anthony Ebro.

Ayon pa kay Ebro, may mga materyales ding gagamitin para rehabilitasyon ng mga bahay na magmumula sa halos 1,000 cubic meters ng mga nakumpiskang kahoy mula sa illegal logging.

Nakatakda rin naming magpadala ang iba’t ibang DENR Offices mula sa mga probinsya sa rehiyon ng CARAGA ng mga lumber materials.

Ang lalawigan din ng Agusan del Sur ang unang local government unit na nakapagpadala ng relief packs hindi lang sa mga internally displaced persons o IDP kundi maging sa mga sundalo ring nakikipagbakbakan sa mga terorista ayon kay Agusan del Sur Gov. Adolph Edward Plaza.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.