Batas laban sa mga “motorcycle crimes,” lusot na sa Senado
Ipinasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang bill na magoobliga sa mga motorsiklo at scooters na magkaroon ng dalawang malalaking license plates.
Nakakuha ng 21 affirmative votes ang Senate Bill No. 1397 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 sa pangunguna nina Sen. Richard Gordon Senate Majority Leader Vicente Sotto III bilang mga may-akda.
Naglalayon ang naturang bill na wakasan ang mas umiigting na “riding-in-tandem crimes.”
Ayon kay Gordon, base sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 39, 380 riding in tandem cases ang naitatala mula 2010-2017 at halos 28 porsyento nito o 10,931 ay kaso ng pamamaril.
Dahil sa batas na ito, kinakailangang mag-isyu ng Land Transportation Office o LTO ng mas malalaking license plates na kayang basahin sa layong 12 hanggang 15 metro.
Mandato rin ng bill na obligahin ang LTO na gumawa ng color scheme ng plate numbers depende sa rehiyon upang madaling matukoy kung saan nakarehistro ang motor.
Ang pagmamaneho ng walang license plate number ay pinagbabawal sa batas at ang pagsuway dito ay maaring magdulot ng pagkakakulong ng apat na buwan hanggang dalawang taon o pagmumulta ng di lalagpas sa 100,000 pesos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.