China sa ASEAN: Huwag hayaang makialam sa South China Sea ang ibang bansa
Nanawagan ang China sa Pilipinas at sa mga bansa sa ASEAN na huwag pahintulutan ang pakikialam ng mga bansang wala namang kinalaman sa mga sigalot sa South China Sea.
Sa isang pulong balitaan matapos ang bilateral meeting kasama si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Taguig, pinuri ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang gumagandang relasyon ng China at Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Anya, ang gumagandang relasyon ng dalawang bansa ay nakatulong upang maipagpatuloy ang kahinahunan at ‘stability’ sa South China Sea.
Bagamat walang binanggit na bansa si Wang, umapela itong pigilan ng mga bansa sa ASEAN ang panghihimasok ng mga ‘non-regional forces’.
Matatandaang mariing binatikos ng Estados Unidos ang ginagawang ‘militarisasyon’ ng China sa pinag-aagawang mga karagatan.
Samantala, noong Lunes ipinahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na lalagda ang China at Pilipinas sa isang kasunduan para sa joint exploration sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.