Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City sa pagitan ng militar at ang Maute terror group.
Sa press conference sa Lanao del Sur Provincial Capitol sa Marawi City, sinabi ni Captain Joan Petinglay na siyang spokesperson ng Joint Task Force Marawi na sa ika-63 araw ng bakbakan ay umabot na sa 453 ang bilang mga napapatay na terorista.
Umaabot naman sa 109 ang nalagas sa hanay ng militar at pulisya habang nanatili sa 45 ang bilang ng mga nasawing sibilyan.
Patuloy din na nakaka-rekober ang tropa ng pamahalaan ng mga improvised explosive devices na itinanim ng nga terorista sa mga inabandonang bahay.
Ayon pa sa opisyal, patuloy ang kanilang apela sa mga residente sa Marawi City na iwasan na munang magpumilit na makabalik sa kanilang mga tahanan dahil delikado pa rin ang sitwasyon sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.