5 sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo July 25, 2017 - 06:36 AM

Tatlong bagyo at dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng bansa.

Kabilang sa minomonitor ng PAGASA ang Typhoon Noru at Tropical Storm kulay na parehong nasa hilagang silangan ng Pilipinas at nasa labas pa ng PAR.

Nasa labas pa rin ng bansa ang isa pang tropical storm na Sonca na nasa bahagi naman ng Kanluran, at isang LPA na nasa hilagang silangan.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na pumasok sa bansa ang tatlong bagyo.

Gayunman, pinalalakas ng mga ito ang umiiral na habagat na nasa western section ng Luzon at Visayas.

Ang LPA naman na nasa loob ng PAR ay huling namataan ng PAGASA 440 km East Northeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa weather bureau sa mga susunod na oras ay may tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, Typhoon, Weather in Philippines, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical storm, Typhoon, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.