‘Bilibid 19’ pinababalik na sa maximum security compound
Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang Bureau of Corrections (BuCor) na ibalik na sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang tinaguriang “Bilibid 19.”
Ang Bilibid 19 ay ang mga inmates na nagdawit kay Sen. Leila de Lima sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.
Kasabay nito, sinabihan rin ni Aguirre ang BuCor na hingin muna ang kaniyang pahintulot sa tuwing maglilipat ang mga ito ng mga drug convicts at high profile inmates sa Bilibid.
Agad aniyang iiral ang kaniyang bagong kautusan na tatagal hanggang sa maglabas siya ng bagong kautusan kaugnay nito.
Dalawang linggo lang ang nakalipas mula nang ibunyag ni Aguirre na muling namamayagpag ang kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.
Hindi naman na isinama sa nasabing kautusan ang pangalan ng mga inmates na dating inilagak sa maximum security compound na inilipat na sa medium security area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.