Umano’y notorious pusher, napatay sa police ops sa North Caloocan

By Jong Manlapaz July 25, 2017 - 04:21 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang notorius na pusher sa Bgy. 176 phase 4-C Bagong Silang, North Caloocan City matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon kay Caloocan PCP-3 Chief Inspector Ronald Cayago, isang sumbong ang natanggap nila na may lantaran na bentahan ng shabu at may nangyayaring pot session sa kubo ni Jasper Palasyo.

Sa sumbong na nakarating kay Cayago, mistulang pila sa lotto ang bumibili ng shabu sa barung-barong ni Palasyo na nakatayo sa tambak na basura.

Sinabi pa ni Cayago ng pagdating sa lugar ng mga pulis para kumpirmahin ang sumbong, agad silang pinaputukan ng suspek gamit ang 9mm na baril nito.

Dito na napilitang gumanti ng putok ng baril ang mga pulis na kaagad ikinamatay ng suspek, habang nakatakas naman ang lima pang kasama nito.

Nakuha sa crime scene ang limang maliit sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, drug paraphernalia, at baril na gamit nito.

Nasa watchlist ng presinto ang si Palasyo at miyembro din umano ito ng Bulabog boys na sangkot sa serye ng holdapan at nakawan sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.