SONA ng pangulo ‘mahaba lang pero walang laman’ -BAYAN
Binigyan ng bagsak na grado ng mga militanteng grupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.
Ang pagbibigay ng bad mark ng grupong Bagong Alyansang Makabayan kay Pangulong Duterte ay dahil umano sa kabiguan ng Punong Ehekutibo na tumugon sa mga karaingan na kinakaharap ng mga manggagawa sa buong bansa.
Anila, mahaba lang ang SONA ni Duterte pero wala itong laman.
Wala raw kasi itong konkretong aksyon kung paano nya tutuparin ang kanyang mga pangako.
Pagigiit nila ang ang Martial Law sa Mindanao ay bahagi ng kanilang ipinoprotesta dahil hindi umano ito ang sagot sa problema sa rehiyon hangga’t hindi muna nireresolbahan ang kahirapan at kawalan ng katarungan.
Kaugnay nito patuloy ang kanilang panawagan na magbalik na sa negotiating table ang gobyerno sa mga makakaliwa dahil nga nanunsyami ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Maliban dito, kabilang din sa kanilang suliranin ay ang isuu sa paggawa na matagal na nilang hinihiling na tuldukan ang contractualization o Endo, mababang pasahod, diskriminasyon sa suweldo ng mga manggagawa sa mga lalawigan at kanilang kapatat sa mga lungsod gaya ng National Capital Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.