Mahigpit na seguridad ipinatutupad sa Kamara

By Erwin Aguilon July 24, 2017 - 11:18 AM

Maaga pa lamang ay ramdam na ang mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa Batasan Complex kaugnay sa ikalawang state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagpapasok pa lamang ng gate ng Batasan ay nasa apat na layer na ng security check ang dadaanan.

Hindi pinapapasok ang walang SONA Car pass at walang SONA ID.

Pagpasok naman ng North o South Wing ng Batasan may xray machine na dadaan ng mga gamit bago ipasok sa gusali ng kamara.

Samantala, dakong alas dyes y singko ng umaga nagbukas ang second regular session ng 17th congress ng Kamara.

Pinangunahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagbubukas sesyon kung saan ibinida nito ang nagawa ng Kamara sa loob ng isang taon.

Si Deputy Speaker Mylene Garcia-Albano ang nanguna sa panalangin gamit ang dayalektong Bisaya.

TAGS: 2nd SONA, Congress, House Speaker Alvarez, Kamara, mahigpit na seguridad, nd regular session, Pangulong Duterte, 2nd SONA, Congress, House Speaker Alvarez, Kamara, mahigpit na seguridad, nd regular session, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.