State of the Bakwit Address, isasagawa sa Iligan City

By Rohanisa Abbas July 24, 2017 - 11:02 AM

Kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, magsasagawa rin ng State of the Bakwit Address ang mga bakwit mula Marawi City sa Iligan City.

Ito ay matapos maunsyami ang planong pagmartsa ng mga residente pabalik sa Marawi City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, “‘Yung napag-usapan po last Saturday, at kahapon din po, medyo nag-iba na po ang plano ng mga convenors kung saan may plano silang pumunta sa Marawi City…”

Ipinahayag ni Gandamra na sa kabila ng kasabikan ng mga bakwit na bumalik na sa kani-kanilang tirahan, nanaig pa rin ang konsiderasyon sa kaligtasan ng mga bakwit matapos ang pakikipagdayalogo ng mga ito sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at pamahalaang lokal.

Aniya, “Bibigyan ng sila ng seguridad ng ating kapulisan [sic] at ang military especially that marami po sigurong aattend na mga kababayan natin.”

Hindi naman magtatalumpati sa pagtitpon ang mayor. Ayon kay Gandamra, bago pa man ito ay kaliwa’t kanan na ang pakikipag-usap niya sa mga ito. Aniya, ang mahalaga ay mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga bakwit.

Ang State of the Bakwit Address sa Iligan City ay dadaluhan ng iba’t ibang civic at religious groups at iba pang sektor.

TAGS: AFP, duterte, evacuees, Iligan City, Marawi City Mayor Majul Gandamra, SOBA, SONA, State of the Bakwit Address, AFP, duterte, evacuees, Iligan City, Marawi City Mayor Majul Gandamra, SOBA, SONA, State of the Bakwit Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.