Mga militante, handa sa ikakasang kilos-protesta kasabay ng SONA ni Pang. Duterte

By Cyrille Cupino July 24, 2017 - 08:12 AM

Nagsagawa ng ‘last-minute preparations’ ang iba’t ibang militanteng grupo para sa ikakasang kilos-protesta kasabay ng ikalawang SONA ni Pang. Rodrigo Duterte mamaya.

Inilatag ng grupo sa tapat ng Mendiola Peace Arch sa Legarda, Maynila ang kani-kanilang mga placard na naglalaman ng mga panawagan na kanilang nais tugunan ng administrasyon.

Kabilang dito ang problema sa kontraktwalisasyon, libreng edukasyon, reporma sa lupa, at pagbabasura sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.

Mayroon ring mga placard na karton na isasabit sa leeg ng mga raliyista, habang suot ang duguang t-shirt bilang pag-kundena sa nagaganap na sunod-sunod na pagpatay sa mga sangkot sa droga.

Kasama rin nila sa gagawing pag-martsa ang malaking effigy ng puting kalapati na sumisimbolo sa kapayapaan.

Ayon kay Rogelio Magistrado, tagapagsalita ng grupong KMU-Metro Manila, maaga pa lamang ay magsisimula na ang kanilang pagmartsa patungo sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.

Doon na magtitipon-tipon ang iba’t iba pang mga sektor upang sabay-sabay na magtungo sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA ni Pangulong Duterte.

TAGS: kilos-protesta, militante, Pangulong Duterte, SONA, kilos-protesta, militante, Pangulong Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.