Mga rebelde at terorista, dapat nang magbalik-loob ayon kay Lorenzana

By Kabie Aenlle July 24, 2017 - 04:06 AM

 

Pinagsabihan na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga kalaban ng estado na magsi-suko na lang, dahil kung hindi, walang lusot silang tutugisin ng mga pwersa ng gobyerno.

Nanawagan si Lorenzana sa aniya’y mga “nalilihis ang landas,” na magbalik-loob na dahil handa naman silang tanggapin ng pamahalaan nang walang hinihinging kondisyon.

Gayunman, kung magpapatuloy pa rin aniya ang mga ito sa kanilang mga maling gawain, hindi mag-aatubili ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na tugisin sila.

Iniaalok na aniya ng gobyerno ang pagpapasuko nang walang kondisyon upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na umunlad at makapag-bago.

Ngayon aniyang nag-uumapaw na suporta ang kanilang natatamasa mula sa mga mambabatas at publiko, mas paiigtingin pa nila ang pagsupil sa rebelyon sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.