Kwento ng isang sundalong nakipagbakbakan sa Marawi City, nagpaluha kay Sen. Gordon

By Erwin Aguilon, Isa Avendaño-Umali, Ruel Perez July 22, 2017 - 02:23 PM

 

Nakapukaw ng atensyon sa joint special session ng Senado at Kamara ang kwento ng isang sundalong nakaranas ng hirap sa krisis sa Marawi City.

Nang sumalang si Senador Richard Gordon sa kanyang interpelasyon sa joint session ng Kongreso para sa isinusulong na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, pinagreport nito si 1st Lt. Kent Fagyan, isa sa mga sugatang sundalong nakipagbakban laban sa Maute terror group.

Ikinuwento si Fagyan ang naging operasyon ng tropa ng gobyerno sa loob ng Marawi City.

Aniya, napakahirap ng ginagawa ng mga sundalo at kahit iniiwasan nila ang maraming casualties, sadyang magagaling daw ang mga kalaban.

Sinabi ni Fagyan na malaking tulong ang ipinapadala sa kanila ng gobyerno upang maipagpatuloy ang military operations at mapalaya ang Marawi City.

Matapos magkwento ni Fagyan ay nagpalakpakan ang mga mambabatas at mga tao na nasa loob ng plenaryo ng Kamara.

Napaiyak si Gordon na malugod na nagpaabot ng pagbati kay Fagyan at mga sundalo na nagpakita ng katapangan at nagsakripisyo ng buhay sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

 

TAGS: Marawi City crisis, Marawi City crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.