Martial law extension sa Luzon at Visayas, hindi kailangan – DND Sec. Lorenzana

By Rohanisa Abbas July 22, 2017 - 02:19 PM

 
Hindi kinakailangang palawigin ang martial law sa Luzon at Visayas, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa joint special session, nang tanungin ni Senador Kiko Pangilinan kung posibleng ideklara ang martial law sa Luzon dahil sa banta ng pag-atake ng New People’s Army, ipinahayag ni Lorenzana na hindi target ng deklarasyon ng martial law ang komunistang grupo.

Sinabi ng kalihim na may batas militar man o wala, tungkulin ng pamahalaan na tugunan ang aniya’y “problemang ibinibigay” ng NPA.

Matatandaang ilang pag-atake ang ikinakasa ng komunistang grupo hanggang sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Una nang tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa na nakahanda na sila laban sa banta ng NPA.

 

TAGS: Martial Law, Martial Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.