Pag-atake ng NPA sa Negros Oriental, tinuligsa ng PNP
Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pananambang na isinagawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental na ikinasawi ng anim katao at ikinasugat naman ng tatlong iba pa.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi titigil ang PNP hanggang sa mapanagot nila ang mga nasa likod ng krimen na ito.
Kahapon ay tinambangan ng NPA ang mga pulis ng bayan ng Guihulngan matapos rumesponde ang mga ito sa ulat ng ambush kay councilor Edison dela Ritta.
Anim na pulis ang nasawi sa naturang insidente, habang nasugatan naman ang tatlong iba pa.
Ani pa Carlos, suportado ng PNP ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan na ang usapang kapayapaan sa mga rebeldeng komunista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.