Gobyerno, nais buwagin ni Duterte kung maaari dahil sa tindi ng kurapsyon

By Kabie Aenlle July 22, 2017 - 05:27 AM

Kung kaya lang niya, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin o sirain na ang gobyerno at palitan ito ng isang sistema na mas makapagbibigay ng mabisang serbisyo at may mas kaunting kapangyarihan.

“If I have my way, I would like to destroy government and replace it with something, which move by itself automatically,” ani Duterte.

Naniniwala kasi ang pangulo na sa ganitong paraan, mahusay pa ring maseserbisyuhan ang publiko kahit mabawasan pa ang kapangyarihan ng organisasyon.

Sinermunan rin ni Duterte ang mga empleyado ng gobyerno na ilang beses pinapabalik-balik ang mga nagpo-proseso ng dokumento sa kanilang mga opisina.

Hindi man lang aniya ikonsidera ng mga ito ang tindi ng trapik na nararanasan ng publiko sa Metro Manila.

Binanatan rin niya ang mga opisinang humihiling ng mga karagdagang computers araw-araw pero hindi naman magawang mapabuti ang serbisyo.

Matatandaang isa sa mga ipinangako ni Duterte noong kaniyang kampanya, ay ang supilin ang katiwalian sa gobyerno.

Mula nang manilbihan, nasa 100 na opisyal na ang sinibak ni Duterte, kabilang na sina dating National Irrigation Administration chief Peter Laviña at dating Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno matapos umanong masangkot sa isyu ng katiwalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.