AFP at PNP suportado ang kanselasyon ng peace talks sa NDFP

By Den Macaranas July 20, 2017 - 05:18 PM

Naghayag ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng pulisya at militar sa kanyang desisyon na kanselahin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines.

Sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na kaagad silang susunod na sa kung anuman ang desisyon ng pangulo sa polisiya ng pamahalaan sa komunistang grupo.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Edgard Arevalo na tatalima sila anuman ang maging desisyon ng kanilang Commander in Chief.

Binatikos rin ni Arevalo ang sunud-sunod na pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa ilang mga government vital installations at extortion activities naman laban sa mga sibilyan.

Binanggit rin ng opisyal na malinaw na sa simula pa lang ang hindi na tapat ang NDF sa pagsusulong ng kapayapaan sa ating bansa.

TAGS: AFP, duterte, marawi, Martial Law, PNP, AFP, duterte, marawi, Martial Law, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.