Airasia, mamimigay ng libreng baggage allowance at pagkain sa mga sundalong sasabak sa misyon

By Rhommel Balasbas July 20, 2017 - 04:08 AM

Photo Courtesy: ‎Inday Rakel‎’s Facebook Page

Inanunsyo ng AirAsia kagabi na mamimigay sila ng libreng extra-baggage allowance at inflight meals sa mga sundalo at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sasabak sa misyon.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post sa official page ng airline, inanunsyo ni CEO Capt. Dexter Comendador ang pribilehiyo na matatanggap ng mga sundalong sasabak sa bakbakan.

Anya, kinikilala ng AirAsia ang hindi matatawarang sakripisyo ng mga sundalo para ipagtanggol ang bayan.

Ginawa ito matapos magtrending ang isang Facebook post ng isang nagngangalang Inday Rakel kung saan ikinukwento niya kung paano nagtulungan ang mga pasahero ng AirAsia para buhatin ang mga bagahe ng tatlong sundalong patungo ng Mindanao.

Bawat sundalo ay makakatanggap ng libreng baggage allowance na hindi lalagpas sa 40 kgs basta’t ipresenta lang ang kanilang ID at mission order.

Pinuri naman ng netizens ang AirAsia sa Facebook post nito na naishare na ng mahigit 7,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.