Sen. Poe, hindi pa desidido sa pagpapalawig ng martial law

By Ruel Perez July 20, 2017 - 04:03 AM

Kung si Sen. Grace Poe ang tatanungin, hindi pa siya lubos na kumbinsido sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao dahil marami pa umano itong katanungan na dapat na masagot ng mga security officials ng Palasyo.

Paliwanag ni Poe, sa Sabado, sa isasagawang joint session ng mababang kapulungan at senado makakapagdesisyon sya kung papayag ba siya sa extension ng martial law at kung gaano ito katagal.

Samantala, iginiit ni Poe na dapat ay present sa Sabado sa gagawing joint special session ang mga opisyal at kinauukulan na nakatoka sa planong rehabilitasyon sa Marawi City upang maging mas malinaw silang makapagdesisyon sa usapin.

Nagsagawa ng executive briefing ang mga senador at ang mga security officials sa Senado kahapon sa pangunguna ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año at National Security Adviser Hermogenes Esperon upang mabigyan ng update sa sitwasyon sa Marawi ang mga mambabatas at maintindihan kung may pangangailangan pa ba na palalawigin ang martial law sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.