Tuloy ang pamamasada ng mga tsuper ng Uber at Grab makaraang pagbigyan ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang apela na huwag na munang ituloy ang paghuli sa kanilang hanay sa July 26.
Ang kasunduan ay pinagtibay makaraan ang closed-door meeting sa Senado ng mga opisyal ng LTFRB, Uber at Grab.
Pinangunahan ni Sen. Grace Poe, Chairperson ng Senate Public Services Committee ang nasabing pulong.
Sinabi ni Poe na habang pinag-aaralan ng LTFRB ang motion for reconsideration na ihahain ng Grab at Uber ay tuloy ang kanilang pamamasada.
Magugunitang sinabi ng LTFRB na dapat munang kumuha ang nasabing mga Transport Network Companies ng prangkisa at saka lamang sila papayagang pumasada.
Ngayong araw ay nahirapang kumuha ng Uber at Grab services ang ilang mga residente ng Metro Manila dahil sa pangamba ng nasabing mga TNCs na sisimulan na ng LTFRB ang kanilang crackdown operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.