Mabilisang pagdinig sa kaso ng Maute group tiniyak ng DOJ

By Mark Makalalad July 19, 2017 - 03:36 PM

Inquirer file photo

Kasunod ng pagpabor ng Korte Suprema sa kahilingan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ilipat sa Taguig City mula sa Cagayan de Oro City ang lugar ng paglilitis kaugnay sa Marawi case, babaguhin ngayon ng Department of Justice ang panel of prosecutor na hahawak sa naturang kaso.

Bilang panimula, sinabi ni Aguirre na dalawang lupon na binubuo ng limang mga piskal ang kanyang itatalaga at mangagaling ito sa National Capital Region.

Sasalang umano ang mga ito sa continuous trial system o pagsasanay kung saan ipinagbabawal ang pagpapaliban sa mga pagdinig maliban na lamang sa makatwirang dahilan at kung talagang kinakailangan.

Ang pagdinig ay gagawin tuwing makalawang araw at kung maari ay mahatulan ang kaso sa loob ng siyamnapung araw magmula nang ito ay maideklarang submitted for resolution.

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na rin ang DOJ sa Department of Interior and Local Government.

Sa inisyal na kasunduan ay  dalawang courtroom sa loob ng Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang maaring gamitin para sa mga pagdinig laban sa mga suspek sa gulo sa Marawi City.

TAGS: Camp Bagong Diwa, DOJ, Maute, Camp Bagong Diwa, DOJ, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.