Mahigit 7,000 lumikas sa Pantao Ragat sa Lanao Del Sur, galing sa Marawi City
Hirap ang lokal na pamahalaan ng Pantao Ragat, Lanao del Norte na tustusan ang mga pangangailangan ng mga bakwit mula sa Marawi City.
Sa panayam ng radyo Inquirer, ipinahayag ni dating Pantao Ragat mayor Eleanor Dimaporo Lantud na 10 araw nang walang dumarating na supply ng relief goods sa lugar mula sa Department of Social Welfare and Development.
Aniya, “Inaamin ko po, naghihirap ang local government ng Pantao Ragat dahil hindi ma-sustain yung support sa mga evacuees namin.”
Sa pinakahuling tala, umabot na sa humigit-kumulang 7,000 katao o 1,549 na pamilya ang lumikas sa lugar sa apat na evacuation centers.
Samantala, bagaman sakop ng Region 10 ang Pantao Ragat, nagpapaabot pa rin ng ayuda para sa mga bakwit sina Autonomous Region in Muslim Mindanao governor Mujiv Hataman, ayon kay Lantud.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.